Monday, October 26, 2009

"Gaanu kasarap at hirap ang lutong macau"

Hay buhay!hingang malalim!hahahahahahahaha"dalawang taun at anim na buwan na pala ako simula ng tumapak ang aking mga paa sa macau.sa di hinagap ng isip ko na mapapadpad ako sa lugar na ito.Dahil kung iisipin ko nuon diko alam na isang lugar pala ito sa tsina.dahil ang tanging naalala ko lng ay!naririnig ko ang mga katagang salita na ito sa mga "gay beauty contest na nasasaksihan ko!pag ang isang candidate ay talunan or thank you girl!in short talo lost or losima!at ito ay ang salitang "LUTONG MACAU"Bukang bibig ito ng mga talunan di man sa gay beauty contest kahit saan mang patimpalak.pag di nila nagustuhan ang nanalo at ang paborito nila ang natalo.maririnig mo ang mga katagang ito!lutong macau!iniisip ko tuloy paanu ba lutuin ang lutong macau?ni ang nanay ko di nya alam ang sagot!pero sa kalaunan ako rin pala ang makakahanap ng sagot sa mga katanungan ko! simula ng napadpad ako sa tunay na pinaglutuan ng lutong macau!pag ikunumpara mo ang laki ng lugar na ito malaki ng di hamak ang quezon city ang pangunahing atraksyun dito ay ang mga naglalakihang gusali, hotel at casino.tama kayu casino!ito ang numero unong tourist attraction ng macau!macanese ang tawag sa mga lokal na naninirahan ritomarahilnaghalu ang impluwensya ng portuguese at chinese!cantonese or cotonghua ang pangunahing salita nila.Ibat ibang nasyunalidad ang makikita mo na nagsisikap at naghahanap ng maganda at marangal na trabaho dito.katulad ko hinahanap din nila ang lutong macau.gaanu ba kasarap at kahirap magluto ng kapalaran sa macau?yan ang mga katanungan na iiwan ko at sa sasagutin ko sa pag babalik ng" The Bloggs"

No comments: